Poetry.com

0 119 0

Unang Tula Na Isinulat Ko Para Sayo.

Date Written: October 7, 2017
Categories:
 

Unang araw. Unang beses kitang nakita ng malapitan. Ganito pala ang pakiramdam para akong natutunaw. Natutunaw ako sa mga titig mong ang sarap pagmasdan. Pero teka hindi ko na ata kaya nanlalambot na aking mga tuhod kelangan ko na atang umupo.

Unang araw. Unang beses. Unang beses akong umupo malapit sayo. Unang beses na nagkadikit ang ating mga siko. Ganito pala ang pakiramdam para akong nahihilo.

Unang araw. Unang beses. Unang beses akong nahilo hindi dahil sa mapait na alak na dumaloy pababa sa aking sikmura paakyat sa aking sentido. nakakahilo walang mapaglagyan ang kaligayahan ko. Noon pinagmamasdan kita ng malayuan pero ngayon malapitan akong nakukuryente sa presensya mo. Kung ganito lang ang pakiramdam ng salitang nakukuryente buong puso akong lulubog sa ilog at kakapit ako sa boltahe mo.

Unang araw. Unang beses. Unang beses na nagpalitan tayo ng matatamis na salita. Mga salitang walang nakakarinig kundi tayong dalawa. mga salitang walang tunog ngunit sumasabay sa rhythmo ng ating mga puso.

Unang araw. unang beses. at huling beses na magmamahal ako. dahil ikaw na ang una at huling taong mamahalin ko.

Leave a Reply

No image Unang Tula Na Isinulat Ko Para Sayo. Unang araw. Unang beses kitang nakita ng malapitan. Ganito pala…
by Kathryn Ann
0 120 0
Register
Send message