Ang Magulong Tula
May 22, 2018 11:53 pm
Inspired by Mr. Chin and Mr. Chill
Ang magulong tula
Ito ay ang simula ng katapusan
Ang hantungang pinagsisimulan
Nang mga salitang dati'y masiglang sinasambit ng mga hapos na labi
At maligalig na ikinikilos ng lupaypay na katawan
Naghahabulang patalikod
Ang katotohanan mula sa labi ng kasinungalingan
Nasa unahan ang hulihan
At mula dito'y naging kampyon ang talunan
Naalala ko ang mga nakalimutan ko na
Naipareha ang dalawang bagay na sadya talagang magkaiba
Para bang langit at lupa na nakatanim sa sanga
Yaon bang ahas na tinuklaw ng maya
Nagawa na ngang maglayag ng mandaragat sa kalangitan
Kanya pang pinunit ang dating wasak na
Ngunit ang bago ay nabuo bigla
At tinamisan ng mapait na ngiti ang nakatadhana
Muli na namang naisuot ang hubad na maskara
Naibuhos ang luha mula sa tuyot nang mga mata
Ngunit malinaw ko paring natanaw
Na sa isang kisap mata ay mabagal na dinagit ng agila ang rosas sa karagatan
Tapos na ngang sumayaw ang bato sa kanyang puwesto
Iniwan na ng kapitan ang kanyang kampo
Kaya naman bumuhos ang tawa sa ang mga mugtong mata ko
At ang tadhana ay isinalaysay sa magulong tulang ito
Font size:
Written on May 22, 2018
Submitted by Maepail on July 25, 2021
Modified on May 04, 2023
- 59 sec read
- 636 Views
Quick analysis:
Scheme | X A BCCDC ECCC CDFB CCAC XBCC EXFE |
---|---|
Closest metre | Iambic heptameter |
Characters | 1,110 |
Words | 197 |
Stanzas | 8 |
Stanza Lengths | 1, 1, 5, 4, 4, 4, 4, 4 |
Translation
Find a translation for this poem in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this poem to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Ang Magulong Tula" Poetry.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 22 Nov. 2024. <https://www.poetry.com/poem/105686/ang-magulong-tula>.
Discuss the poem Ang Magulong Tula with the community...
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In